Tagalog (3)
previous arrow
next arrow

Mga Hakbang sa Pag Kontra Laban Sa Labis na Opioid

Subukan Gisingin ang Tao

  • Alugin ang katawan at isigaw ang pangalan (kung alam mo)
  • Kung walang malay, hilutin ang buto sa dibdib o pisilin ang trapezius na kalamnan
  • Kapag hindi pa rin humihinga o wala pa ring malay, o malamig ang balat, isipin na maaring may labis na opioid. Kumilos agad!
 

Ibigay Naloxone Isprey

  • Itingala ang ulo
  • Ilabas ang Naloxone isprey sa pakete o kahon, at maingat na ipasok sa isang butas ng ilong
  • Pisilin ang gamot gaya ng pag ineksyon para maibigay ang unang dosis
  • Maghintay ng 2-3 minuto at ulitin sa kabilang butas ng ilong para sa pangalawang dosis kung hindi gumana ang unang dosis
 

Tumawag sa 911 Pagka Bigay ng Naloxone!

  • I-report lamang kung ano nakita, huwag magdagdag ng opinyon.
  • Iwasan na maghusga gamit ang mga salitang “droga” at “overdose”
  • Kapag dumating ang ambulansya (o paramediko), sabihin ang gamot na nainom ng pasyente (kung alam)
  • Sabihin kung ilang dosis ng Naloxone ang nabigay
  • Ang batas ukol sa “Good Samaritan Law” Sa California ay nagsasabing ang sumasagip ay maaaring ang opioid din sa sarili niyang katawan para sa pang personal na gamit. Ito ang “limited immunity.”

Bantayan ang Paghinga

  • Kapag paputolputol o tumigil, magbigay ng “cardiopulmonary resuscitation” (CPR) sa pagitan ng dosis ng Naloxone Isprey
  • Siguruhin na gumamit ng proteksyon sa pagbigay ng hangin sa bibig ng biktima
  • Magbigay ng pangalawang dosis ng Naloxone kapag hindi pa rin humihinga
  • Ipuwesto ang katawan ng biktima sa “recovery position” (nakadapa) kung himihinga na ng kusa
 

 Huwag Iwanan ang Tao

  • Manatili sa tabi ng tao hanggang makarating ang tulong ng paramediko. Ipuwesto sa “recovery position” basta humihinga.
  • Sa paggising at pagbalik ng malay, mahinahon na kausapin at ilahad ang mga pangyayari
  • Ang Naloxone ay nawawalang bisa 30-90 minuto kung marami opioid ang nasa katawan. Maaaring mag overdose ulit kaya magbantay sa pag ulit ng Naloxone.
  • Mahalaga na ipadala sa “emergency department” (ED). Kung tutol ang pasyente sa pagpunta sa ospital, manatiling magbantay hanggang 4 na oras.
  • Ulitin ang pagbigay ng Naloxone kung makita ang sintomas ng overdose.
 
Upang mag-download ng isang elektronikong kopya ng mga hakbang upang baligtarin ang labis na dosis ng opioid, mag-click dito.

Mga Senyales Ng Labis Na Dosis Ng Opioid

Ang isang taong dumaranas ng labis na dosis ay maaaring magpakita ng alinman sa mga sumusunod na sintomas:

  • Hindi pagtugon o pagkawalan ng malay
  • Pagkawalan ng paghinga o mababaw na paghinga
  • Walang pulso o mababang lebel ng pulso
  • Mga tunog: paghilik, pag-gurgle, o pagkasamid
  • Maputla, malamig, o mamasa masang balat
  • Lumpong kalamnan
  • Mga labi at kuko: kulay asul, lila, o abo
 
Upang mag-download ng elektronikong kopya ng mga sintomas ng labis na dosis ng opioid, mag-click dito.

Presentasyon

Ang focus ng presentation na ito ay sa inireresetang gamot at kaligtasan ng fentanyl, at kabilang dito ang overdose na pagsasanay sa pagsagip. Sa pag-aaral natin sa presentasyong ito, malalaman natin ang nakakabahalang koneksyon sa pagitan ng mga iniresetang gamot tulad ng mga pampakalma, pampasigla, at opioid, at ang pagtaas ng mga pagkamatay na nauugnay sa fentanyl. Matututuhan mo rin kung paano makilala ang isang labis na dosis at tumugon sa isa.

Ito ang mga paksang tatalakayin natin sa presentasyong ito:

  • Disorder sa Paggamit ng Substance at mga epekto ng labis na dosis
  • Kaligtasan ng Inireresetang Gamot
  • Inireseta at Ipinagbabawal na Opioid
  • Pangkalahatang-ideya ng Naloxone
  • Pagsasanay sa Pagsagip para sa labis na dosis
  • Aksyon na Magagawa Mo
  • Mga mapagkukunan
 

Upang tingnan ang pagtatanghal o i-download ang mga slide o script ng pagtatanghal, i-click ang mga sumusunod na link: